Posted August 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hawak umano ng isla ng Boracay ang pinakamalaking meeting
ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa darating na 2015.
Ito ang sinabi ni 2015 APEC Malay Task Group Focal Person
at SB Member Rowen Aguirre sa panayam ng himpilang ito.
Aniya, tinatayang aabot sa dalawang libo ang dadalong
delegado sa isasagawang Ministerial meeting sa Boracay mula sa 21 bansa kung
saan mamamalagi ang mga ito sa isla ng 18 araw o tatlong linggo.
Ayon pa kay Aguirre mayroon na lang umano silang siyam na
buwan para paghadaan ang APEC lalo na ang ilalatag na seguridad para sa mga
partisipante.
Samantala, isa rin itong malaking promotions para sa isla
ng Boracay kung saan ilang media organizations mula sa ibat-ibang bansa ang
inaasahang pupunta sa isla para e-cover ang APEC Summit 2015.
No comments:
Post a Comment