August 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinaghahandaan na ng Kapisananan ng mga Brodkaster
ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter ang "Oplan Broadcastreeing".
Bagama’t hindi pa napag-uusapan, sinabi ni KBP
Aklan Chapter President Ron Bautista na pinaghahandaan na nya itong isama sa
mga susunod na pagpupulong ng KBP sa Aklan.
Kaugnay nito, binigyang diin naman ni Bautista na
mahalaga ang pagtatanim ng puno ngayon sa harap ng kaliwa’t-kanang kalamidad at
lumalalang epekto ng climate-change.
Sa kabila din ito ng paghahanda para sa KBP
Accredidation Exam sa darating na Oktubre 18.
Samantala, nabatid na ang taunang proyekto ng KBP
ay isinagawa ng sabay-sabay sa 32 lugar sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior
and Local Government (DILG), Local Government Units (LGUs), Office of the
President at iba pang sangay ng gobyerno maging ng ilang pribadong sektor.
Gaganapin naman ang KBP Oplan Broadcastreeing sa
darating na Setyembre na inaasahang susuportahan ng mga miyembro ng KBP Aklan.
No comments:
Post a Comment