Posted August 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Matapos mabigyan ng paunang lunas ay kaagad na
idineretso sa isang ospital sa bayan ng Kalibo ang biktima ng pananaksak kagabi
sa Boracay.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang
biktima na si Jomar Magcalayo, 28 anyos ng Sta. Fe Romblon at pansamantalang
naninirahan sa So. Bantud Manoc-Manoc Boracay.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, kasama ng
biktima ang lima nitong mga kaibigan na umiinom sa isang bar sa nasabing lugar
alas onse kagabi, nang dumating naman ang grupo ni Jonathan Tecyo, kasama ang
tatlo pang mga kalalakihan.
Ayon pa sa report ng mga pulis, tumungo umano si Tecyo
sa CR na sinundan naman ng biktima.
Subalit, ilang sandali pa ay dali-dali umanong
lumabas sa CR si Tecyo, kung saan nagwawala na ito at nambabato ng bato sa loob
ng nasabing bar, dahilan upang palabasin ang mga ito ng management.
Ilang sandali pa, matapos umanong lumabas ang grupo
ng biktima sa nasabing bar ay nakita ng mga ito si Tecyo kasama ang kanyang
kapatid na si Jerry na may hawak-hawak na kutsilyo.
Bigla di umanong lumapit si Tecyo ay sinaksak ang
biktima na tumama naman sa kanang bahagi ng upper abdomen nito.
Samantala, nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng
mga taga Boracay PNP Station, kung saan nanataling at- large ang suspek.
No comments:
Post a Comment