Posted August 30, 2014
Ni Jay-ar M.Arante, YES FM Boracay
Gustong pasukin ng isang kumpanya mula sa Korea ang
pagkakaroon ng Under water tunnel sa isla ng Boracay.
Katunayan, dumalo ang kumpanyang Zand Global Trading
Incorporated sa ginanap na 25th SB Session nitong Martes sa bayan ng
Malay para sa nasabing proyekto.
Sa pangunguna ni Zand Global Trading Inc. Director Sandra
Han at ni Global Trading President Asash Zand Bahrami ay nagkaroon sila ng presentation
ng kanilang proposed project para sa isla ng Boracay.
Anila ito ay isang malaking tulong para sa lahat ng mga
tatawid sa isla ng Boracay maliban sa isang magandang atraksyon sa ilalim ng
tubig at dagdag na turismo sa isla.
Ngunit sa kabila nito tila nangangamba naman ang konseho
ng Sangguniang Bayan dahil sa masyado umano itong kumplikado sa ngayon at ilang
proseso pa ang kailangang gawin kung saang lugar mismo ito itatayo.
Samantala, mas minabuti naman ni Vice mayor Wilbec Gelito
na ipasa sa Committee on Public Works and High-ways ang proposed project para
sa masusing pag-aaral.
No comments:
Post a Comment