YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 25, 2014

Mga DOT Accredited na travel and tour agencies sa Boracay, kinumpirmang iilan lang

Posted August 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Iilan lang pala ang travel and tour agencies sa Boracay na DOT accredited o kinikilala ng Department of Tourism.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, pitong travel and tour agencies lamang ang DOT Accredited sa Boracay sa kadahilanang hindi naman pala lahat ng mga nagpapa-accredit ay pasado sa international standard.

Napag-alaman din na pawang LGU licensed lamang ang karamihan sa mga nasabing travel and tour agencies habang maituturing lamang na travel and tour booking office ang ilan sa mga ito.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Velete na isasama ng DOT sa kanilang promosyon ang mga accredited establishments kung saan magiging ipa-prayoridad ang mga ito sa mga international expo’s and events.

Magugunita namang sinabi ni DOT 6 Regional Director Atty.Helen Catalbas sa isang press conference sa isla na makikipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan ng Malay partikular sa Barangay level na huwag i-endorso ang hindi DOT accredited establishments.

No comments:

Post a Comment