Posted August 30, 2014
Ni
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Masisilayan
sa susunod na taong 2015 ang mga karagdagang pasilidad sa Tambisaan Port
kabilang na ang street lights.
Ito
ang sinabi ni Brgy. Captain at LIGA President Abruam Sualog matapos ang
kanilang planong pagpapayos ng nasabing pantalan sa susunod na taon.
Nabatid
na kulang ngayon ang ilaw sa Tambisaan Port na siyang nagiging problema ng
ilang mga turista sa tuwing gabi ang kanilang biyahe.
Napag-alaman
na kanya-kanya na rin ang mga itong pailaw sa kanilang dalang cellphone lalo na sa pagsakay at pagbaba ng bangka.
Maliban
dito ang pagpapalawak ng waiting area, ticketing office at daungan ng mga
bangka ang siyang prayoridad na ipapayos ng Local Government Unit ng Malay sa
darating na summer sa 2015 para paghandaan ang Habagat Season.
Samantala,
pansamantala parin ngayong ginagamit ang Tambisaan at Tabon Port dahil sa
nararanasang Habagat kung saan mapapaga rin ang muling paglipat nito sa Cagban
at Caticlan Jetty Port dahil sa magandang panahon at mabilis na pagkawala ng
Habagat Season.
No comments:
Post a Comment