Posted
August 25, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ganito ilarawan ng ilang motorista sa Boracay ang kalsada sa
harap ng Boracay Hospital.
Binabaha parin kasi ito sa kabila ng ginawang aksyon ng mga
taga municipal engineer’s office nitong nakaraang linggo.
Magugunitang sinabi ni municipal engineer-officer in charge
Engr. Arnold Solano na ininspekyon at tinakpan na ang nakakonektang pipes o
tubo doon sa manhole ng nasabing kalsada.
Samantala, nakarating naman sa himpilang ito ang impormasyon
na gumawa na naman kahapon ng panibagong koneksyon doon sa manhole ang
establisemyentong nagpapalabas ng tubig sa kalsada sa harap ng Boracay
Hospital.
No comments:
Post a Comment