Posted August 27, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nanindigan ngayon ang Boracay PNP na hindi
ningas-kugon ang kanilang pagsugpo ng kriminalidad sa isla.
Ayon kay Boracay PNP Deputy Chief PInspector Fidel
Gentallan, isa sa mga mandato sa kanila ng kanilang higher headquarters ang PIPS
o Police Integrated Patrol System kung saan bahagi rin nito ang pagsagawa ng
mga random check points, at operation bakal.
Ayon pa kay Gentallan, mahalaga ang mga nasabing
crime prevention activities kung kaya’t hinimok din nito ang suporta ng
kumunidad, kasabay ng paghingi ng pag-unawa sa publiko partikular sa mga maapektuhan
ng kanilang checkpoints.
Samantala, sinabi pa ni PInsp. Gentallan na
magpapatuloy din ang kanilang pagsasagawa ng mga check points sa gabi upang
masawata ang kriminalidad sa isla.
Magugunitang ipinagtaka ng publiko sa isla ang
halos sunod-sunod na check points ng mga taga Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment