Posted
August 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay PO2 Felizardo Navarra Jr. ng Numancia PNP, nawalan ng kontrol hanggang
sa tuluyang tumagilid ang nasabing water-tank nang hindi nito nakayanan ang
puwersa ng laman nitong tubig habang lumiliko sa kurbada.
Dahil dito, sugatan at kaagad namang isinugod sa pagamutan sa bayan ng
Kalibo ang 12 trabahador nitong sakay na napilitang tumalon sa kalsada.
Ayon pa kay Navarra, aakuin umano ng construction company ang
gastusin-medikal ng mga nasugatang trabahador.
Samantala, nasa kostodiya ngayon ng Numancia PNP ang nasabing water
tank habang pinaghahanap parin ang drayber nitong tumakas matapos ang
insidente.
No comments:
Post a Comment