Posted August 27, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay nito, binisita kaninang umaga ng LTO o Land
Transportation Office ang isla ng Boracay upang tugunan ang nasabing problema.
Ayon kasi kay Kalibo District Officer 3 Elsa
Castaños, pinoproblema ng mga taga Boracay ang pagpaparehistro ng kanilang
sasakyan kapag hindi ang mga ito naiinspeksyon.
Subali’t ayon kay Castaños, requirement o kailangan
talagang sumailalim sa isnpeksyon ang mga sasakyan bago ito marerehistro.
Samantala, kaugnay nito, sinabi ni Castaños na
plano nilang mag-eskedyul ng isang araw kada buwang pagbisita sa isla upang
hindi na mahirapan ang mga taga Boracay sa pagpaparehistro ng sasakyan.
Napag-alamang mahigit sa 40 sasakyan ang kanilang
ininspeksyon kaninang umaga.
No comments:
Post a Comment