Posted August 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tila ikinabahala ng Department of Labor and
Employment (DOLE) ang pagkakasangkot ng mga manggawa sa ibat-ibang kaguluhan sa
isla ng Boracay.
Ayon kay DOLE Aklan Head Vidiolo Salvacion,
nababahala siya sa mga ganitong pangyayari ngunit hindi naman umano sila
puweding manghimasok dito kung sa loob ng working area naganap ang insidente.
Aniya, maaari lamang silang makialam kung
ipapatawag sila ng management ng empleyado at kung sa labas nangyari ang
kaguluhan.
Nabatid na sa libo-libong manggagawa sa Boracay ay
karamihan sa mga ito ang nasasangkot sa ibat-ibang gulo kung saan kapwa
katrabaho rin nila ang kanilang nakakaalitan.
Sinabi naman ni Salvacion na wala pa namang lumapit
sa kanila na mga nagtratrabaho sa Boracay na may kaugnayan sa ganitong kaso.
Samantala, patuloy din umano ang kanilang
pag-momonitor sa isla ng Boracay para mapangalagaan ang kapakanan ng mga
mangagawa.
No comments:
Post a Comment