Posted August 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Apat na buwan nalang bago ang 2015, subalit
naghahanda na ang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) para sa
nalalapit na Ati-Atihan Festival.
Katunayan, inilabas na ng KASAFI ang schedule ng
nasabing aktibidad para sa kapistahan ni Sto. Niño na gaganapin sa January 9 to
18, 2015.
Ayon kay KASAFI Chairman Albert Meñez, nasa
pitumpung porsyento na ang kanilang paghahanda ngayon para sa iba’t-ibang
aktibidad katulad ng “Mutya at Lakan ng Aklan”, Opening Salvo, Higante Parade, body
painting at maging ang pagtatanghal ng ilang sikat na artista sa bansa.
Samantala, magkakaroon pa umano ng mga pagpupulong
para sa alokasyon ng budget ng mga sasaling tribo sa street dance competition
sa darating na buwan ng Enero.
Tinyak naman ng Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan
Foundation Inc. na magiging maganda ang gaganaping 2015 Ati-Atihan Festival.
No comments:
Post a Comment