YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 29, 2014

Ilang traysikel, inempound ng mga MAP dahil sa illegal terminal

Posted August 29, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ilang traysikel drayber ang pansamantalang naunsyami ang biyahe ngayong araw.

Inempound kasi ng mga taga MAP o Municipal Auxiliary Police ang kanilang traysikel at pansamantalang naka-impound sa Balabag Plaza dahil sa pagpila sa mga lugarkung saan hindi sila dapat pumila.

Ibig sabihin, illegal umano ang kanilang terminal.

Magugunitang ilan sa mga opisyal sa Boracay ang nanindigang sapat at hindi kulang ang mga traysikel sa Boracay at sa halip nakapila lamang para maghintay ng mga turista.

Ito rin ang itinuturong dahilan ng publiko kung bakit maraming mga commuters, estudyante at mga empleyado dito ang madalas nale-late at hindi nakakasakay.

Samantala, nabatid na umalma naman ang mga nasabing traysikel drayber matapos dalhin ng mga MAP ang kanilang traysikel sa Balabag Plaza.

No comments:

Post a Comment