YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 26, 2014

Youth Assembly sa Boracay ngayong Setyembre, kasado na

Posted August 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasado na ang isasagawang Red Cross Youth Assembly ngayong darating na Setymebre 6 sa isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Marlo Schoenenberger, Administrator ng PRC Boracay-Malay Chapter. 

Aniya, nagkaroon umano sila ng meeting tungkol dito kasama ang lahat ng kanilang Board of Directors at youth leaders sa bawat paaralan ng nasabing lugar.

Lalahukan umano ito ng 420 na mga pupil at students mula sa private at public school sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.

Ayon pa kay Schoenenberger magkakaroon din umano ng induction officer at art competition sa mismong araw ng assembly kasama na ang pledge of freedom.

Magiging speaker din sa assembly si Asst. Sec Jo John Paul Peñol ng Iloilo City na kauna-unahang ina-point ni Pangulong Benigno Aquino III na maging Youth Commissioner sa Visayas.

Samantala, ang nasabing assembly ay gaganapin sa Manoc-manoc covered court ngayong darating na Setyembre 6 ng hapon.

No comments:

Post a Comment