Posted
August 28, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Wala pa umanong na-deputize ang LTO para tumulong sa kampanya laban sa
modified muffler.
Ito ang sinabi kahapon ni LTO o Land Transportation Office Kalibo
District Officer 3 Elsa Castaños tungkol sa matagal nang problema sa mga
maiingay na motorsiklo. sa Boracay.
Ayon kay Castaños, kulang pa umano kasi sila sa tao ngayon lalo pa’t ni-recall
ang lahat ng Deputation ID ng mga deputized agents.
Kailangan umano kasi na dapat may sapat na kaalaman ang isang deputized
agent sa pagpapatupad ng batas ng Land Transportation Office.
Samantala, nabatid na nakaranas ang mismong mga taga Municipal
Auxiliary Police sa Boracay ng pangha-harass mula sa ilang lumalabag na
motorista dahil sa hindi umano sila deputized ng LTO.
No comments:
Post a Comment