Posted August 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pormal na umanong itatalaga bilang host ng Asia Pacific
Economic Conference (APEC) Summit 2015 ang isla ng Boracay ngayong mga susunod
na linggo.
Ito ang kinumpirma ni 2015 APEC Malay Task Group Focal
Person at SB Member Rowen Aguirre.
Aniya, meron umano silang natanggap na notice na pirmado
ni Executive Secretary Paquito Ochoa para sa pagtalaga bilang formal host ng
Boracay kung saan inaasahang si Director General Marciano Paynor Jr. ng APEC
2015 ang magsasagawa ng formal declaration para dito.
Nabatid na si Paynor ang head ng NOC o National
Organizing Committee at ang nag-anunsyo na ang isla ng Boracay ang isa sa
magiging host ng APEC 2015.
Samantala, pinaghahandaan naman ngayon ng APEC Malay Task
Group ang paghahanap ng mga venue sa Boracay na pagdadarausan ng APEC
Ministerial meeting sa darating na Mayo.
Ang APEC Summit 2015 sa Boracay ay lalahukan ng mahigit
dalawang libong delegado mula sa dalawamput isang bansa kasama ang kanilang mga
pamilya at mga media organizations sa ibat-ibang sulok ng mundo.
No comments:
Post a Comment