Posted August 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos ang insidente ng pagnanakaw sa isang
babaeng bakasyunista sa nasabing paliparan nitong linggo.
Nabatid sa 28th SP Regular Session na
sinabi ni SP Member Esel Flores, Chairman on Tourism na nag-imbestiga sa
nasabing kaso na makakaapekto ang nasabing insidente sa turismo ng probinsya.
Matatandaang isa sa mga myembro ng Office for
Transportation Security (OTS) ang kumuha ng cellphone ng nasabing bakasyunista
matapos na maisama sa tray na dumaan sa Kalibo airport’s security x-ray
scanners.
Samantala, sinuspende naman ang nasabing staff
matapos na aminin din nito ang insidente dahil natakot din umano syang mapaalis
sa kanyang trabaho.
No comments:
Post a Comment