Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Todo handa na ngayon ang Aklan government at LGU Malay
para sa pagdating ng MS Superstar Gemini sa Oktobre Disi-siyete sa karagatan ng
Boracay.
Kung saan isang meeting na naman ang isasagawa ulit ng
Jetty port Administration sa darating na Martes sa isla ng Boracay.
Una ng sinabi ni Boracay DOT Officer In Charge Tim Ticar
na plantsado na ang pagdating ng nasabing cruisehip.
Aniya, umaasa silang magiging matagumpay ang nasabing
aktibidad na ito.
Nabatid na ang pag-uusapan para sa meeting ay ang mga maaaring
manyaring hindi inaasahang problema sa pagdating ng barko.
Ilan naman sa mga stakeholders ng Malay at Boracay ang
unang pinulong ni Aklan Governor Joeben Miraflores para sa mga gagawing
paghahanda para dito.
Ang MS Superstar Gemini ay may sakay na isang libo at
isang daang travelers at mahigit siyam na raan na mga crews na kinabibilangan
ng tatlong daan at limampung Filipino.
Sa ngayon, halos all set na din ang iba pang
kakailanganin para sa mga sakay ng cruise ship na pupunta sa Boracay para mag
island hopping at mag shopping sa loob ng ilang oras.
No comments:
Post a Comment