Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nitong nagdaang Oktubre a uno ay nagpalabas ng warrant of
arrest si Judge Domingo Casiple Jr. ng Kalibo Aklan Regional Trial Court Branch
7, para sa suspek na si Daniel Celestino.
Ayon kay Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural, agad
nilang pinuntahan ang bahay ng suspek sa bayan ng Malinao, Aklan ngunit bigo
silang mahanap ang suspek.
Magkaganon paman, patuloy ang kanilang paghahanap kay Celestino
partikular na sa mga lugar na maaari nitong puntahan.
Dagdag pa ni Cabural, nakikipag ugnayan narin sila ngayon
sa iba pang mga pulis sa probinsya ng Aklan at sa mga kalapit na lugar.
Kamakailan, nagpaabot ng pagkadismaya at kawalang pag-asa
ang mga taga Boracay Ati Community matapos mabatid na hindi na mahagilap sa
ngayon ang suspek.
Si Dexter Condez ang Ati leader na pinaslang habang
papauwi sa kanilang village sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc Boracay nitong
nagdaang Pebrero 22.
No comments:
Post a Comment