Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tutol ang ilan sa mga kabataan sa probinsya ng Aklan sa
pag-abolish ng Sk election ngayong nalalapit na halalan.
Ayon kay Aklan Sk Provincial Federation at Regional
Director for Western Visayas President Bob Augusto F. Legaspi.
Tanggap nilang mga Sk na magtatapos na ang kanilang
termino ngayong taon pero hindi umano nila matatanggap na ma-aabolish na ito.
Nanghihinayang umano siya sa pagkatanggal ng Sk dahil may
malaking papel din naman itong ginagampanan sa bansa.
Dagdag pa ni Legaspi marami narin ang kanilang
napag-daanang training na nakatulong sa kanila bilang leader ng mga kabataang
pinoy.
Ilan umano sa kanilang ginawa ay ang pagkakaroon ng mga
lakbay aral na nakahubog sa kanila bilang responsabling kabataan at kung paano
mamuno sa mamamayan ng tama at may dignidad sa sarili.
Matatandaan na nito lamang buwan ng Setyembre ay
nagkaroon ng Sk Regional End-Term Congress sa Boracay para talakayin ang nasabing usapin.
Samantala, mismong si Senator Bongbong Marcos ang nag-akda
ng SK poll postponement na naging ganap na batas matapos lagdaan ni Pangulong
Aquino noong nakaraang Oktubre tres.
No comments:
Post a Comment