Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ihahatid na sa kaniyang huling hantungan ngayong umaga ang
dating presidente ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) na si Loubell Cann.
Ayon sa mga taga BFI magkakaroon ng misa mamayang alas
nueve ng umaga sa Immaculate Conception Parish Church sa Batan Aklan.
Nabatid na ilang mga board members ng BFI ang dadalo para
sa libing ni Cann at inaasahan naman ang pagdating ni mismong Mayor John Yap ng
Malay.
Maliban dito ilan pang malalapit na kaibigan ni Cann mula
sa Boracay ang pupunta sa kanyang libing.
Matatandaang binawian ng buhay si Cann nitong Setyembre
bente nueve sa sakit na breast cancer sa isang pagamutan sa siyudad ng Maynila.
Marami namang mga pribadong sektor at mamamayan sa
Boracay ang nangungulila sa maagang pagpanaw nito lalo na’t may malaki umano nitong
kontrobersyon sa isla.
Napag-alaman na naging pangulo si Loubell Cann sa BFI ng
dalawang termino at humigit-kumulang sampung taon bilang board of director.
No comments:
Post a Comment