Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Makakatanggap ng sertipiko ang mga establisemyentong
lubusang sumunod sa 25+5 meter set back sa Boracay.
Nakatakdang ipagkaloob ng mismong mga taga BRTF o Boracay
Redevelopment Task Force at LGU Malay ang mga nasabing sertipiko bukas, sa
pamamagitan ng isang awarding ceremony.
Ayon sa BRTF, ang unang dalawampu’t-isang establisemyento
na fully complied o lubusang sumunod sa set back ang bibigyan ng COC o
Certificate of Compliance.
Mahalagang requirement umano sa mga establisemyentong ito
ang COC para sa pagproseso ng kanilang mga building permits, zoning, occupancy,
at business permits.
Matatandaang binigyan lamang ng LGU Malay ng hanggang
ika-dalawampu’t walo ng Agosto ang mga establisemyento sa vegetation area upang
baklasin ng kusa ang kanilang mga istrakturang napapaloob sa 25+5 meter set
back sa Boracay.
Note: Awarding ceremony was re-scheduled to November 5 or 6 2013 with notice of postponement from BRTF
Note: Awarding ceremony was re-scheduled to November 5 or 6 2013 with notice of postponement from BRTF
No comments:
Post a Comment