Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sinanay ng mga taga Land transportation office (LTO) ang
mga police at traffic enforcers sa paggamit ng gadgets katulad ng breathalyzer machines sa buong Region 6.
Ito ay kaugnay sa panibagong batas na pinirmahan ni
Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang Mayo bente siyete.
Basi sa nakalap na impormasyon sinabi ni LTO Regional
Director Dennis Singson sa kaniyang pagbisita sa Bacolod City na nagsimula na
itong ipatupad noong Setyembre bente uno.
Napag-alaman na sinabi nitong magsasanay ang mga police
at traffic enforcers kung paano gamitin ang gadgets katulad ng breath analyzer
machines at kung paano mag-conduct ng sobriety test.
Sasanayin din ang mga law enforcers kung paano malalaman
ang legal Blood Alcohol Content o Concentration (BAC) ceiling.
Ang nasabing BAC ay ratio ng alcohol sa dugo at sinusukat
ng breathalyzer.
Ikinatuwa naman ng LTO Aklan ang bagong batas na ito na
malaking tulong sa kanila para mabawasan ang mga aksidente na nangyayari sa
pagmamaneho ng lasing.
No comments:
Post a Comment