Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagkaroon ng pagsasanay ang Land Transportation Office
(LTO) Region 6 para sa mga Municipal Auxiliary Police ng isla ng Boracay at
Malay.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, dito
sinanay ng mabuti ang mga Map para lalo pa nilang magampanan ang kanilang
ginagawang trabaho.
Aniya, binigyan din umano sila ng permiso ng LTO bilang
patunay na maari nilang kunin ang lisensya ng mga motoristang lalabag sa batas
trapiko.
Pinagunahan naman ni mismong LTO Regional Director Dennis
Singson ang nasabing aktibidad.
Dagdag pa ni Oczon magiging strekto na ngayon ang Map
lalo na at nalalapit na ang peak season sa Boracay at ang brgy. election ngayong
Oktobre.
Samantala, ginanap naman ang nasabing training nitong
Setyembre bente singko at bente sais sa isang resort sa Boracay.
No comments:
Post a Comment