Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ipinagpaliban ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force
ang awarding ceremony para sa mga compliant establishments ngayong araw.
Base sa notice of postponement ng BRTF, itinakda sa
ikalima o ikaanim ng Nobyembre ang awarding ceremony sa halip na mamayang alas
kuwatro ng hapon.
Ito’y upang bigyang daan ang skedyul ni Under Secretary
Ma. Victoria Jasmin ng Department of Tourism National at ang kinatawan ni DOT
Sec. Ramon Jimenez.
Ayon parin sa mga taga BRTF, ang mga nabanggit na opisyal ang magiging presentor ng
COC o certificate of compliance sa mga establisemyentong lubusang sumunod sa
ipinapatupad na 25+5 meter easement sa isla.
Matatandaang itinakda ngayong araw ng BRTF ang pamimigay
ng COC sa beach front station 1.
No comments:
Post a Comment