Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Borcay
Pormal nang naibigay sa District Malay ang Text2Teach project
ng Ayala foundation nitong Miyerkules sa isla ng Boracay.
Dinaluhan naman ng ito ng ilan sa mga namumuno ng
nasabing foundation sa pangunguna ni Dino Rey Abellanosa Senior Manager and
Head for Visayas Operations.
Dito ibinahagi ng Ayala Foundation sa mga dumalo kung ano
ang kahalagahan ng nasabing proyekto.
Mismong si Aklan Schools Division Superintendent Dr.
Jesse M. Gomez naman ang dumalo sa nasabing okasyon para pormal na
magpasalamat.
Ayon naman kay Malay Public District Supervisor Jesie S.
Flores.
Ang Text2Teach project umano ay isang teknolohiyang
makakatulong sa mahihirap na aralin sa Grade 5 at Grade 6 pupils sa Distrito ng
Malay.
Napakalaki din umano itong tulong sa mga guro dahil hindi
na sila mahihirapang magbigay ng mga asignatura sa mga mag-aaral gamit ang
ibat-ibang education materials.
Aniya, sana makapagbigay ito ng pagkakaiba sa academic
performance ng kanilang mga mag-aaral sa Malay.
Samantala, walong mga paaralan sa nasabing bayan ang
nakatanggap ng isang pakete mula sa Ayala na naglalaman ng mobile phone, isang
prepaid SIM card, at isang 29-inch colored television na gagamitin sa
pag-aaral.
Nabatid na ang Text2Teach ay isang programa na nagdadala
ng educational content sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa
pamamagitan ng mga video na nai-download sa pamamagitan ng Short Messaging
System (SMS).
No comments:
Post a Comment