Ni Carla Suñer, YES FM Boracay
Pagpupugay at pagdiriwang.
Ito ang inaasahang magpapabuklod sa mga debotong Katoliko
sa buong isla ng Boracay sa darating na araw Lunes.
Magtitipun-tipon kasi ang mga ito upang bigyang daan ang
kapistahan parokya ng simbahang Katolika sa Boracay, ang Our Lady of Most Holy
Rosary.
Kaugnay nito, may mga iniskedyul na misa sa bawat
barangay ng isla na nagsimula nitong Setyembre 28, at magtatapos sa mismong
araw ng kapistahan.
Kinumpirma din ng simbahan na darating si Kalibo Bishop
Most Rev. Bishop Jose Corazon Tala-oc, na siyang magmimisa mismo at
magsisilbing Provider of Homilies sa bispera ng kapistahan.
Samanatala, magkakaroon naman ng misa bukas ng alas 5:30
ng hapon.
Bagama’t hindi ito kahalintulad sa ipinagdiriwang na
kapistahan ng Barangay Balabag tuwing buwan ng Mayo.
Iginiit ng simbahan na dapat ang buong Boracay ang
makibahagi sa selebrasyon bilang paggunita rin sa founding anniversary ng
parokya.
Nabatid na ipinagdiriwang ang kapistahan ng Our Lady of
Most Holy Rosary sa Boracay tuwing ika-pito ng Oktubre.
No comments:
Post a Comment