Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatutok ngayon ang provincial health office (PHO) sa
kaso ng leptospirosis na posibleng tumama sa probinsya ng Aklan.
Ayon kay Aklan Provincial Health officer Dr. Victor Sta.
Maria, bagama’t hindi karamihan ang mga nabiktima nito ay patuloy parin ang
kanilang isinasagawang pag-momonitor.
Kaugnay nito nagpalabas naman ng leptospirosis alert ang
Department of Health sa bansa dahil sa pagdami ng sakit na ito na ikinasawi ng
maraming tao.
Sa kabilang banda sinabi pa ni Sta. Maria na mas bumaba ngayong
taon ang kaso ng sakit na dengue kumpara nitong 2012.
Aniya, hindi naman maiiwasan ang ganitong klase ng sakit
lalo na’t sa panahon ng tag-ulan.
Hindi din umano ganoon karami ang mga pasyenteng dinadala
sa mga pagamutan sa bayan ng Kalibo.
Samantala, inaasahan naman nito na ngayong papasok ang
tag-init ay hindi na madadagdagan pa ang naitala nilang kaso ng dengue.
No comments:
Post a Comment