Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y may kaugnayan sa pagpapaigting
umano nila ng kampanya sa proper waste segregation.
Ayon kay ‘Kap Lilibeth”, ang
kalinisan ng paligid ay isa sa mga maipagmamalaki ng Boracay upang patuloy
itong puntahan ng mga turista.
Nakakahiya nga naman umano kasi
para sa mga turista na isang maruming Boracay ang kanilang maratnan.
Samantala, isa rin sa mga
tinitingnan nila ngayon ang pag-regulate sa mga bahay na tila mga kaboteng sumusulpot
kung saan lang.
Maaari kasi na walang sewer
connection ang mga ito, kung kaya’t kailangan din nilang obligahing kumuha ng
permit sa munisipyo.
No comments:
Post a Comment