Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Umaabot na sa pito ang mga nahuling lumalabag sa
ipinapatupad na nationwide election gun ban sa Aklan.
Ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO),
information officer PO3 Nida Gregas.
Nangunguna parin ang mga sibilyan na lumalabag dito
magmula nang ipatupad ang nasabing ordinansa noong Setyembre 28.
Sa listahan ng APPO, anim ang nakumpiskang baril at
isa naman ang bladed weapon.
Tiniyak ng APPO na mas pinalakas nila ang kanilang
paghahanda lalo na’t nagsisimula na ang campaign period para sa local
candidates.
Sa kabilang banda, ipinapaalala rin sa mga
kapulisan na sa panahon ng gun ban, suspendido ang kanilang mga permit sa pagdadala
ng armas sa labas ng kanilang bahay maliban na lamang sa mga sundalo.
No comments:
Post a Comment