Ni Christy dela Torre, YES FM Boracay
Hindi lamang ang mga tricycle sa isla ng Boracay ang
tinatangkilik ng mga turista, kundi maging ang mga trisikad o padyak.
Katunayan, kapansin-pansin na nag-i-enjoy din ang mga
turistang sumasakay dito.
Ngunit ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, dapat
ding mag-ingat ang mga may-ari o nagmamaneho ng padyak.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Ticar na huwag silang makisabay
o makihalubilo sa mga ibang sasakyan lalo na kapag traffic.
Dapat din umanong ingatan at alagaan ang mga padyak na
kanilang ginagamit, dahil hindi maganda sa paningin ng mga turista kung
makikita nilang hindi man lang name-mintina ang kalinisan ng kanilang mga
padyak.
Samatala,karagdagang hiling lamang ni Ticar sa mga ito, na
huwag naman umanong pabayaan ang seguridad ng mga bisita, lalo pa nga’t ang
buhay ng Boracay at Malay ay nakasandal sa mga turista.
Kung kaya’t nararapat lamang aniya na ibigay ang
makatotohanang serbisyo sa mga ito.
No comments:
Post a Comment