Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lalo umano ngayong tumaas ang kaso ng Human
immunodeficiency virus (HIV) sa Aklan kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Aklan Provincial Health officer Dr. Victor Sta.
Maria, umabot na sa dalawamput walo ang kanilang naitalang kaso ng HIV kumpara
noong 2012 na umabot sa dalawamput apat.
Mayroon umanong satellite treatment ang Aklan provincial
hospital na mula pa sa probinsya ng Ilo-ilo.
Aniya, ito ang kanilang ginagamit para sa mga gustong
magpatingin kung sila ay positibo sa sakit na HIV.
Wala umanong sintomas ang sinumang mag-popositibo sa nasabing
sakit hanggat ito ay hindi nagpapakunsulta sa doktor.
Dagdag pa ni Sta. Maria may pagkakaiba ang HIV sa Aids dahil
ang Aids umano ay nakikitaan ng ibat-ibang sintomas kumpara sa HIV na positibo lamang
sa sakit na ito.
Samantala, mayroong umanong Anti Retroviral drugs na nabibili
sa ospital na maaaring inumin para maibsan ang sakit.
Hinimok naman ngayon ng PHO ang mga taong may pagdududa
sa kanilang sarili tungkol sa nasabing sakit na magpatingin agad sa doktor para
maiwasan ang malalang inpeksyon.
No comments:
Post a Comment