Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng mga taga Boracay ang pagdating ni Kalibo
Bishop Jose Corazon Talaoc sa kapistahan ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay.
Ayon kay Sister Candice, miyembro ng Mother Butler’s
Guild ng nasabing simbahan.
Ikinatuwa naman nila at buong pusong tinanggap ang
pagdating ng Obispo dahil kahit na abala pa ito ay nagawa pa rin nyang makarating
sa selebrasyon ng kapistahan at founding anniversary ng Holy Rosary Parish.
Napag-alaman na nitong nagdaang Sabado pa dumating ang
nabanggit na Obispo dito sa isla.
Samantala inaasahang si Bishop Talaoc din mismo ang
magiging main celebrant at provider of homily sa gaganaping misa ngayong alas
otso ng umaga, pagkatapos ng prusisyon kaninang alas sais y medya.
Nabatid na ipinagdiriwang ang kapistahan at founding
anniversary ng nasabing parokya tuwing ika-pito ng Oktubre.
No comments:
Post a Comment