Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinabahala ng SB Malay ang mga sira-sirang kalsada sa
Boracay lalo na sa area ng brgy. Balabag at Manoc-manoc.
Sa ginanap na Session kanina sa Malay sinabi ni SB Member
Jupiter Gallenero na hindi na kagandahan ang ilang mga kalsada sa Boracay.
Kinakailangan na rin umano ito ngayong maayos para maging
maganda naman sa paningin ng mga turista lalo’t nalalapit na naman ang peak
season.
Dagdag pa ni Gallenero
sadyang sira na ang mga bricks na nakalagay sa kalsadang papasok sa may police
station mula sa main road at palabas ng front beach.
Sa ngayon nais ipatawag ng SB Malay ang pamunuan ng DPWH pati
na ang ilan sa mga opisyales ng nasabing brgy para sa committee hearing sa
susunod na Linggo.
Inaalam naman ngayon ng mga konsehal kung may nakalaang
pondo ba ang gobyerno sa DPWH para sa mga kalsada sa Boracay gayon din sa LGU
Malay.
Samantala, sinabi naman ni SB Member Floribar Bautista na
kinailangang tutukang pagandahin ang mga kalsada sa isla at wag lang puro
turismo ang pagtuunan ng pansin.
No comments:
Post a Comment