Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magpapatayo na ng tulay sa Tabon Port ang LGU Malay sa
taong 2014.
Ito ang kinumpirma ni Malay Administrator Godofredo
Sadiasa kaugnay sa mga nakatayong poste sa kinaroroonan ng pontoon bridge doon.
Nilinaw naman ni Sadiasa ang nasabing proyekto ay
magiging pansamantala munang daanan kapag tumataas ang tubig o tuwing
nagkakaroon ng high tide.
At kapag may sapat na umanong budget para dito ay agad
namang ipagpapatuloy ang proyekto.
No comments:
Post a Comment