Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bibigyang pansin ng Malay Municipal Transportation office
(MTO) ang mga maiingay na motorsiklo sa isla ng Boracay.
Ito ay kaugnay sa mga reklamo ng ilang turista at mga
residente tungkol sa matinding ingay at polusyon na idinudulot ng mga ito.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, Nakikipag-ugnayan
na sila sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at sa MAP para masolusyonan
ang nasabing problema.
Aniya, 24/7 namang naka antabay ang Malay Auxiliary
Police para magbantay sa mga lumabag sa kanilang ordinansa.
Mahigpit din umano nilang ipinagbabawal ang paglagay ng
radyo sa mga motorsiklo kung saan pinapatogtog nila ito ng malakas na
nakakaagaw atensyon sa ilang motorista.
Dagdag pa ni Oczon kadalasan sa mga may-ari ng maiingay
na motorsiklo ay ang mga lasing na driver mula sa ilang mga bar sa Boracay.
Nananawagan naman ngayon ang MTO sa mga taga Boracay na
huwag maging pasaway at maging environmental friendly para sa ikakaunlad ng
isla.
No comments:
Post a Comment