YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 10, 2013

Breathalyzer machine, gagamitin ng LTO kontra sa mga motorista

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) ang Breathalyzer machine para sa mga motorista upang malaman kung ito ay naka-inom o naka-droga.

Ito ay batay sa Republic Act 10586, na iniakda ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Kung saan isang batas ang nagbibigay pinalidad sa mga taong nagmamaneho ng lasing at nakagamit ng droga.

Ayon kay Roy Conte ng LTO Aklan, nito lamang Setyembre bente uno nagsimulang ipatupad ang nasabing batas.

Pero aniya hindi pa dumadating sa kanilang tanggapan ang machine na ito na magmumula pa sa mataas na tanggapan ng LTO.

Dagdag pa ni Conte kung sakaling maibigay na sa kanila ang nasabing machine ay agad na rin nila itong ipapatupad sa probinsya ng Aklan.

Nabatid na isa itong malaking tulong para mabawasan ang nangyayaring insidente kung saan kadalasang inbulbado dito ay ang mga driver na lasing.

Samantala, aabot naman sa dalawang daang libo ang magiging pinalidad nito sa mga mahuhuling driver at kung hindi nila ito mababayaran ay maari silang makasuhan o makulong.

No comments:

Post a Comment