Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dinagsa ng mahigit 130 aplikante ang unang araw ng
pag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC)
Malay.
Ito ay para sa nakatakdang 2013 Barangay Elections,
kung saan ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig.
Anim na sa tumatakbong kapitan ang nakapag-file
para sa isla ng Boracay at tatlo naman ang para sa Caticlan.
Sa isla ng Boracay, dalawa ang kinumpirma ni
Cahilig na maglalaban para sa pagkakapitan sa Barangay Manoc-manoc.
Ito ay sina incumbent Brgy. Capt. Abram Sualog at
dating Brgy. Capt. Joel Gelito.
Wala namang makakalaban si Capt. Lilibeth SacapaƱo
sa Barangay Balabag, habang, magiging magkatunggali sina Brgy. Capt. Hector
Casidsid, dating Brgy. Captain Anselmo Casidsid, at dating Brgy. Kagawad
Menirva Sicoy.
Para naman sa Caticlan, nanguna sa pag-file sina Brgy.
Capt. Juliet Aron, Incumbent Brgy. Kagawad Virgie Reyes, and Ernesto dela
Torre.
Samantala, nagsimula ang pag-sumite ng COC kahapon at nabatid na hanggang Octobere 17 lamang ng alas singko ng hapon ang
huling araw sa pag-file nito.
Iginiit naman ng COMELEC na walang magiging
extension sa paghahain ng COC sa mga nagnanais kumandidato.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang COMELEC na
bukas lamang ang kanilang tanggapan mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00
ng hapon.
Magsisimula naman ang pangangapanya sa Oktobre 18.
No comments:
Post a Comment