Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sisimulan ng ideliver ng Gerweiss Motors Corporation ang
electric tricycle(e-trike) ngayong buwan ng Oktobre sa isla ng Boracay.
Ayon kay Gerweiss Motors Corporation President and CEO
Sean Gerard Villoria, Bago magtapos ang buwang ito ay maidadala na dito ang
nasabing sasakyan mula sa Maynila para maumpisahan ng maipasada.
Aniya, mahigit sampu hanggang tatlumpung mga e-trike ang
dadalhin nila at susundan pa ito kada katapusan ng buwan hanggang sa makumpleto
ang kanilang target.
Nauna na nitong ipinahayag na dapat ay nitong nakaraang
buwan pa ang kanilang delivery pero sa hindi inaasahang pagkakaton ay naantala
ito.
Nabatid na ito ang magiging pamalit sa mga tricycle na
bumibiyahe ngayon sa isla para mabawasan ang polusyon at matinding trapiko.
Ilan namang mga taga Boracay ang nagpahayag na matagal na
nilang inaatay ang pagdating nito bilang pandagdag atraksyon sa isla.
Samantala, ang Boracay ang kauna-unahang lugar sa bansa
na may mag-pampasadang electric tricycle.
No comments:
Post a Comment