Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nangunguna parin umano ngayon sa listahan ang mga Korean
Tourist na pumupunta sa isla ng Boracay.
Ito ang kinumpirma ni DOT Boracay Officer In-charge Tim
Ticar matapos lumabas ang balita na naungusan na ng mga Instik ang mga Korean
Tourist sa Boracay ngayon taon.
Aniya, nasa rank 1 parin ang Korea na nakapagtala ng
labin walong libo at isang daan at tatlumput dalawang turista na sinundan naman
ng bansang China na nakakuha ng labin walong libo at pitumpu nito lamang buwan
ng Setyembre.
Nabatid na malapit naring maabot ngayon ng Department of
Tourism ang target na 1.5 million tourist arrival ngayong taong 2013.
Tiwala naman si Ticar na maaabot nila ang 1.5 tourist
lalo na’t halos nasa isang milyon na ngayon ang kanilang naitalang turista na
pumunta sa Boracay simula noong buwan ng Enero.
Samantala, ngayong nalalapit na naman ang peak season
inaasahan na ng DOT Boracay na dadagsa na naman ang libo-libong turista sa isla
para magbakasyon.
No comments:
Post a Comment