YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 07, 2013

Ilang guro sa Malay, sinanay para sa Text2teach project ng Ayala foundation

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sinanay ng ilang araw ang mga guro sa Malay para sa Text2teach project ng Ayala foundation na ginanap sa Boracay nitong nakaraang Linggo.

Kasabay nito ay nagkaroon nang Launching sa isang resort sa isla nitong Miyerkules na dinaluhan ng ilan sa mga taga Ayala foundation at ng DepEd Aklan sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Jesse Gomez.

Dito sinanay ang mga guro na gagamit sa mga teknolohiyang ibinigay ng nasabing foundation sa District Malay.

Ang Text2teach ay nag-handog naman sa walong paaralan sa Malay ng flat Screen Television at Nokia 701 8 gigabit mobile phone pre-loaded ng 360 educational video materials sa English, Science, Math at Values.

Sa pamamagitan nito i-dodownload ng mga guro ang kanilang mga ituturong asignatura sa mga mag-aaral gamit ang nasabing mga teknolohiya.

Mahigit tatlong araw namang sinanay ang mga ito simula noong Oktobre a-tres at nagtapos nitong araw ng Sabado.

Malugod namang nagpapasalamat ang Distrito ng Malay bilang kauna-unahang napili sa Aklan ng Foundation para handugan nito.

Samantala, kasama sa walong paaralan sa proyektong ito ay ang tatlong public School sa isla ng Boracay.

Nabatid na isa itong mabisang paraan sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa grade 5 at grade 6 dahil dito mapag-aaralan ang ibat-ibang bagay na hindi natuturo nang mga guro sa normal na klase sa ngayon.

No comments:

Post a Comment