Posted January 30, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakipagdayalogo ang BRTF o Boracay Redevelopment
Task Force sa mga apektado ng road set back sa Boracay.
Naghain kasi ang mga ito ng petisyon sa office of
the mayor upang maliwanagan tungkol sa mga natanggap nilang notice of
violation.
Ayon kay BRTF Secretary Mabel Bacani, hihimayin
nila ang mga dokumentong hawak ng mga petitioner, kung saan iginigiit ng ilan
sa mga ito na legal ang kanilang permit.
Samantala, sinabi pa ni Bacani na may APEC o wala,
requirement umano talaga ang road widening sa isla, habang nesisidad naman ang
road side beautification para sa APEC at hindi magdi-depende sa road widening.
Napag-alamang umalma din ngayon ang ilang
negosyante sa isla dahil hindi umano ang mga ito makapagrenew ng business
permit kapag hindi sila sumunod sa road set back.
No comments:
Post a Comment