Posted January 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kumpiyansa ngayon ang Jetty Port Administration na
mauumpisahan na ngayong Pebrero ang expansion ng phase 1 ng Cagban Jetty Port.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na Asia Pacific
Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa isla ng Boracay ngayong Mayo.
Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, napag-planuhan umano ni Jetty Port Administrator Nieven
Maquirang na maglagay ng separator ng arrival at departure sa pier ng Cagban
kasama na ang paglagay ng tourism counter na siyang magsisilbing directory ng
mga papasok na turista sa Boracay.
Samantala, ang budget umano nito ay galing sa Provincial
Government ng Aklan at sa Department Of Transportation and Communication
(DOTC).
Nabatid naman na inihahanda na rin ngayon ng Jetty Port
Administration ang Cagban Port sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga pasilidad
katulad ng Comport Room.
No comments:
Post a Comment