Posted January 27, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Dinalaw ng kapwa Korean National nitong hapon sa
kulungan ng Boracay PNP ang isang turista matapos pinakulong ng isang resort
owner sa Boracay.
Nagwala at nag-eskandalo umano kasi ito kagabi sa
tinutuluyang resort sa Station 1 Balabag at binantaan pa ang may-ari ng
nasabing resort.
Base sa police report ng Boracay PNP, lasing ang 51
anyos na suspek at nagsisisigaw kagabi dahilan upang maistorbo ang ibang guest
doon.
Nilapitan umano ito ng security guard ng resort at
pinakalma, subali’t patuloy itong nagwala.
Nang dumating ang mga pulis, nagmayabang din umano
nito na meron siyang hit man at binantaang papatayin ang may-ari ng resort, pati
ang pamilya nito at ang kanyang mga tauhan.
Samantala, ‘wa epek’ naman ang pagdala sa kanya sa
presento ng mga pulis, dahil hindi parin tumigil sa pag-i-eskandalo kung kaya’t
ipasok na ito sa lock up cell.
No comments:
Post a Comment