Posted January 29, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Patuloy paring iniimbistigahan ng mga otoridad ang
nangyaring security breach sa Kalibo International Airport nitong nakaraang
linggo.
Ayon kay CAAP o Civil Aviation Authority of the
Philippines Kalibo Manager Cynthia Aspera, nagtutulungan narin ngayon ang mga
kapulisan at airline security sa airport upang hindi na maulit ang nangyari.
Lalo din umanong hinigpitan ang seguridad sa paliparan
kung kaya’t umapela ito sa mga pasahero ng kooperasyon.
Samantala, kinumpirma din ni Aspera na nakabalik na
sa kanyang pamilya ang babaeng pasahero na sinasabing sumakay ng eroplano ng
Philippine Airline o PAL patungong South Korea na walang anumang travel
documents.
Nabatid na pawang mga turista mula sa Boracay ang
mga pasahero ng eroplanong direct flight PR490 mula Kalibo Airport patungong Incheon,
South Korea.
Dahil dito, naging palaisipan sa mga otoridad kung
papaanong nalusutan ng 30 anyos na babae ang security, immigration, at airport
ground personnel sa entrance at boarding gates.
Samantala, nabatid na pinasakay din ng Korean
immigration airport authorities sa eroplano ng PAL pabalik ang babae na Patnongon,
Antique at sinasabing may problema sa pag-iisip.
No comments:
Post a Comment