Posted January 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpaabot ng pakikiramay ang mga pulis ng Boracay PNP
Station sa mga pamilya ng namatay na kasapi ng PNP-Special Action Force na
nagdadalamhati sa ngayon.
Bilang pagpapakita ng pakikiramay ay nakiisa ang Boracay
PNP sa National Day of Mourning ngayong araw kung saan naka-half mast din ang
kanilang bandila.
Maliban dito naglagay naman ng itim na laso ang lahat ng
mga kapulisan sa kanilang uniporme na kung tawagin ay morning band.
Kaugnay nito nag-alay naman ng dasal ang lahat ng mga
pulis sa pangunguna ni BTAC Police Inspector Kennan Ruiz kung saan nagbigay din
ito ng mensahe ng pakikiramay sa mga inulila ng biktima ng Masasapano massacre.
Nabatid na umabot sa 44 na mga pulis ang namatay sa
sagupaan na naganap sa Masasapano Maguindanao nitong araw ng Linggo.
No comments:
Post a Comment