Posted January 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang nagpaalarma sa ilang residente ng Sitio
Lapus-Lapus, Balabag Boracay kaninang umaga dahilan upang tumawag ang mga ito
ng bombero.
Bagay nanagpaalarma din sa mga miyembro ng Boracay
Fire upang respondehan ang nasabing lugar.
Ayon kay BFP Chief Investigator F03 Franklin
Arubang, nagsimula ang apoy bandang alas 10:00 nang umaga.
Anya, maaring
may nagtapon ng upos ng sigarilyo sa mga nakaimbak na kahoy at dahon sa
lugar na naging dahilan ng apoy.
Samantala, bagama’t walang anumang naidulot na
pinsala ang nasabing insidente, pinayuhan pa rin nina FO3 Arubang ang mga tao
doon na maging maingat sa apoy.
No comments:
Post a Comment