Posted January 29, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tiniyak ngayon ng Department of Agriculture (DA)
Aklan na sapat ang supply ng agricultural products sa isla ng Boracay.
Ito’y sa kabila ng pangamba na baka maubusan ng mga
nasabing produkto ang isla dahil sa nag-uumpisa na namang dumagsa ang mga
turista lalo na’t may dumadaong din na mga cruisehip dito.
Ayon kay Aklan Provincial Agriculturist William
Castillo, nagkakaroon lang ng kaunting problema sa bilang ng mga iniaangkat na
isda dahil sa nagpapatuloy na amihan.
Subalit, sinisiguro din umano ng kanilang ahensya na hindi
kukulangin ang probinsya sa pagsu-supply ng mga agricultural products lalo na
sa isla ng Boracay.
Samantala, nabatid naman na napipilitang sa ibang
mga bayan pa kumuha ng mga agricultural products ang ilang mga resort at hotel
sa Boracay dahil sa kakulangan minsan ng mga nasabing produkto sa probinsya.
No comments:
Post a Comment