Posted January
28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Plano ngayon ng Boracay Land Transportation Multi Purpose
Cooperative (BLTMPC) na maglagay ng service multicav sa mga mga paaralan sa
isla.
Ito ang sinabi ni BLTMPC Chairman Joel Gelito sa pagdalo
nito sa ika 4th Regular Session ng SB Malay kahapon.
Aniya, ito umano ang paraan para makatulong sila sa mga
mag-aaral sa Boracay na nahihirapang sumakay sa mga bumibiyaheng tricycle unit
sa isla pauwi sa kanilang mga tahanan.
Nabatid na halos abutin ng isang oras ang mga mag-aaral
sa kakapara ng masasakyan pauwi dahil sa walang halos nagpapasakay sa kanila.
Dahil dito nais naman ng BLTMPC na magdagdag ng kanilang
unit sa isla upang ng sa ganon ay maisakatuparan nila ang kanilang pinaplano.
Kaugnay nito tila pabor naman ang Sangguniang Bayan
Officials sa ninanais ni Gelito na dagdagan ang unit ng mga nasabing sasakyan.
No comments:
Post a Comment