Posted January 30, 3015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinag-aaralan na ng Sangguniang Panlalawigan (SP)
Aklan ang Revised Zoning Ordinance mula sa bayan ng Malay.
Sa ginanap na SP Session nitong Myerkules,
tinalakay ang nasabing ordinansa, kung saan maaaring magpatawag ng isang
pagpupulong ang SP Aklan para mapag-usapan at sa pag-aproba nito.
Kaugnay nito, una namang inoprabahan sa Sangguniang
Bayan (SB) Malay ang nasabing ordinansa upang maisaayos ang pagpapatayo ng mga
gusali sa Malay at Boracay.
Samantala, ang zoning ordinance ay isang nakasulat
na regulasyon o batas na tumutukoy sa kung paano ang tiyak na paggamit ng isang
ari-arian sa isang geographic zone.
Tinutukoy din ng nasabing ordinansa kung maaaring
gamitin ang isang lupa para sa residential or commercial purposes.
No comments:
Post a Comment